Showing posts with label Big C. Show all posts
Showing posts with label Big C. Show all posts

Wednesday, July 18, 2012

Big C

 
One of the things that I enjoy doing back in the Philippines and together with hubbee was doing grocery. For some reason, may kasiyahan sa aking puso pag nasa loob ako nang grocery store. Kasiyahan? LOL. Actually, kahit sa palengke (not all, yung maayos at konting malinis), natutuwa din ako. I remember when I was still a kid, nagwawala ako at umiiyak nang walang humpay pag di ako sinasama ni mommy sa palengke. Kumakapit talaga ako sa tricycle na sasakyan ni mommy. Ganun. Ewan ko ba, kaya lumaki akong happy day sa akin ang grocery day.


So here in Pattaya, walking distance lang ako sa palengke. Siguro mga 5-7 minutes lang. When I rented this apartment, I needed some stuff that I will use to maintain the cleanliness of it. Oh ha! Hubbee, nababasa mo ba ito! Iniisip ko ang paglilinis. LOL. Doon ako sa palengke bumili nang mga hanger, basurahan, walis, dust pan, basahan at extension. Para kasing isang malaking bodega siya na andun halos yung pwede mong kailanganin sa bahay. Mura pa. Aliw!


Pag food naman, sa Big C ako pumupunta na I mentioned before na parang Shopwise o SM Hypermarket natin sa Pilipinas. Parang one-stop shop store. May tatlong Big C dito sa Pattaya. At napuntahan ko na agad silang lahat. Haha. Yung una, nung bumili ako nang sampayan nang damit. Yung pangalawa sa Central Center Pattaya, doon naman ako bumili nang mga gamit ko sa paglalaba at nang microwave oven. Yung pangatlo ang favorite ko sa lahat, at ang pinakamalapit sa akin, one motorcycle away, ang Big C Extra. Doon ako nakabili nang comforter na mura, nang malaking salamin, konting pang-decor sa apartment at nang kung ano ano pa.


Sa Big C din ako nabili nang pang diet kong food. Meron silang salad bar na ikaw ang gagawa nang sarili mong salad. Malaki din ang fruit section. Naaadik ako sa suha dito pati sa mga fresh juice from fruits and vegetables. Yung pure at walang halo. Pag bumili ka nang anim na bottles, may libre kang isa. Gusto ko talaga mag-diet dito. Nakakatulong din yung di mo maintindihan yung salita, at least di ka nakakabili nang junk food. Haha! Dito din ako bumibili nang mga microwavable na food. Alam niyo na, di marunong magluto. Hehe.


Sa Big C din masarap mag food trip. Mga authentic thai food at kung ano ano pang international food kasi nga andaming foreigners dito. Pero wala pa din akong na-ta-try na thai food. LOL. Naaadik ako dito sa grilled pepper chicken, ewan ko ba, lalo na sa 999 Steak Corner. Ang plated pepper chicken nila dun, may kasama nang salad, fries, toasted bread at onion ring. Ring lang, hindi rings. Kasi isang piraso lang. Haha. Pero malaki naman. And the food costs 79B only. Can you believe that! Sa Big C ko din na-discover ang Green Tea blizzard nang DQ.


Isa sa mga worries ko dati ang food nung bago pa lang ako dito but thanks to Big C, hindi ako nahirapan mag-adjust. Hehe. Pinrovide niya ang mga kailangan ko sa mura at tamang halaga, at swak sa aking panlasa. And as long as there's Big C, I'll be fine. Haha!

Thursday, July 12, 2012

The Laundry Job Part I

I did it!!!

Nakapaglaba na din ako on my own ulit. Parang the last time I remember I did laundry was when I was still living in with my ex way back years ago. Di talaga ako naglalaba sa bahay noon. Lagi si mommy o katulong. Kaya di ako lumaking sanay maglaba. Natututo na lang ako nung una akong nakipag live-in. Yung babad-banlaw process lang. Ganun. Pero di rin masyado madalas. Ex ko din halos naglalaba.

Then hubbee came in to my life, we lived together and ever since, never he did ask me to do our laundry. Lagi siya. Although we have an option naman na magpa-laundry, ayaw lang niya. Gusto niya na siya mismo naglalaba nang damit namin. May ganun siyang concept. Sabagay, menos gastos, kawawa nga lang kamay niya. Pero siya naman may gusto nun. For almost 3 years, never kong inalala ang labahin. Until this Thailand plan came, it became one of my top worries. Haha. Seryoso!


Pagdating ko dito, marami naman palang laundry shop. Sus! Actually nagkalat nga sila. Sa medyo downtown kasi ako nang Pattaya kaya halos andito na lahat. But since I'm still new and still adapting to the environment, people, and culture, di pa ako kampante na ipagkatiwala ang mga damit ko sa ibang tao. Kaya back to do my own laundry concept. 


I went to Big C, their version of SM Hypermarket or Pure Gold or Shopwise, bought stuff I'll use for my own laundry. Pagdating sa pagbili nang sabon ako nahirapan. Kasi thai language lahat nang sabon. Eh malay ko na ba sa mga sabon ngayon. Si hubbee lang may exposure sa mga sabon sabon. Kaya ayun, si gut feel na naman ang ginamit kong sandata. Haha. Pero mukhang tama ako sa nakuha ko. Hehe.

Bumili din ako nang Downy. Buti na lang may Downy. Meron din sila dito na Comfort. Nauso din yun dati sa Pilipinas pero mas na-invade nang Downy ang market. Dahil yun ang naaalala kong ginagamit ni hubbee pampabango nang labahan, I bought one. Ang catch lang, di ko nagamit sa una kong laundry kasi di ko alam paano gamitin. Haha! Di pa activated ang BBM ko that time kaya di ko matanong si hubbee. But now, he taught me how to use it na. Sa sunod na laba, naka Downy na ako. Hehe.

Hubbee should be very proud of my accomplishment. The laundry job was a success. It's a sign, makaka-survive ako dito sa Thailand. Haha!!!