Showing posts with label Market. Show all posts
Showing posts with label Market. Show all posts

Thursday, July 19, 2012

Night Talat

On the second night of my stay here in Pattaya, Nana brought me and Kuya Ogie to Night Talat. Talat means market in thai. It's the place to shop when you're buying stuff you'll bring home or stuff you'll use here. They are only open every friday - sunday which starts at 5:00 pm and ends at midnight. And if you're a shop-a-holic, this is your place. Good finds, cheap items and you have a lot of options. It's a big night market.

 
I've been to night markets in Hongkong and Singapore and yes, you'll find good deals too there but now I know the difference of Thailand from those other asian shopping destination. In here, you'll find many alternatives. Doon kasi parang halos pare-pareho makikita mo. Dito, andaming choices. And mind you, the fashion taste is way different. But I'm speaking for myself. It fits my taste. And madaming panlalaki. Normally kasi, sa mga night market, karamihan eh halos pambabae. Dito, ang saya, andaming choices. 

Here, walang descrimination. Pang all sizes, hindi lang sa mga petite and small body. LOL. Karamihan nga kasi nang tao dito sa Pattaya, foreigners, mas marami pa nga sila sa local thai. Eh ang sizes nang mga foreigners malalaki di ba. Kaya ayun. May part din na parang Banchetto or Soderno. Andaming food. Mostly authentic thai food. Sarap mag food trip. Na-adik ako sa Buko juice doon, nakadalawang balik ako!

 
You can find all types of shirts, jeans, shorts, jackets, meron ding mga shades, socks, beauty products, shoes, belts. May mga nagtitinda din nang mga DVD, mga pang decor sa bahay, mga wig, at meron din silang section nang mga tindahan nang pets at halaman. Basta kumpleto. Mapapagod ka sa kalalakad. Pero enjoy kasi andaming gwapong foreigners. Hehe. Yung iba, mukhang hollywood artists and porn stars. LOL. Pag naka tyamba ka pa, mga bakat. Walang suot na underwear. Mainit kasi dito. Saya na ba? LOL.

Hindi ako masyado nakaikot at nakapamili kasi andaming distractions. Haha. Just kidding. Kasama ko kasi sila, sumunod pa si Nano tsaka ang bestfriend niyang si Cholo. Kaya nahihiya akong magpatagal at magtingin tingin. Sabi ko sa sarili ko babalik na lang ako mag-isa. Kaya the next day, haha, pero seriously, bumalik ako mag-isa. Inaral ko talaga kung paano pumunta. Sabado na nun, kaya mas doble ang dami nang tao. Jusko, sobrang init. Doon, malaya na akong nakapamili. Shorts, shirts, pang decor sa apartment at kung ano ano pa.


That was just a few days here in Pattaya. Kailangan kong mag-control. Or else, I'll be broke. Haha. Pero ang sarap bumalik. Ang mura kasi. Mag-eenjoy dito si hubbee, lalo na sa food section. LOL.

Wednesday, July 18, 2012

Big C

 
One of the things that I enjoy doing back in the Philippines and together with hubbee was doing grocery. For some reason, may kasiyahan sa aking puso pag nasa loob ako nang grocery store. Kasiyahan? LOL. Actually, kahit sa palengke (not all, yung maayos at konting malinis), natutuwa din ako. I remember when I was still a kid, nagwawala ako at umiiyak nang walang humpay pag di ako sinasama ni mommy sa palengke. Kumakapit talaga ako sa tricycle na sasakyan ni mommy. Ganun. Ewan ko ba, kaya lumaki akong happy day sa akin ang grocery day.


So here in Pattaya, walking distance lang ako sa palengke. Siguro mga 5-7 minutes lang. When I rented this apartment, I needed some stuff that I will use to maintain the cleanliness of it. Oh ha! Hubbee, nababasa mo ba ito! Iniisip ko ang paglilinis. LOL. Doon ako sa palengke bumili nang mga hanger, basurahan, walis, dust pan, basahan at extension. Para kasing isang malaking bodega siya na andun halos yung pwede mong kailanganin sa bahay. Mura pa. Aliw!


Pag food naman, sa Big C ako pumupunta na I mentioned before na parang Shopwise o SM Hypermarket natin sa Pilipinas. Parang one-stop shop store. May tatlong Big C dito sa Pattaya. At napuntahan ko na agad silang lahat. Haha. Yung una, nung bumili ako nang sampayan nang damit. Yung pangalawa sa Central Center Pattaya, doon naman ako bumili nang mga gamit ko sa paglalaba at nang microwave oven. Yung pangatlo ang favorite ko sa lahat, at ang pinakamalapit sa akin, one motorcycle away, ang Big C Extra. Doon ako nakabili nang comforter na mura, nang malaking salamin, konting pang-decor sa apartment at nang kung ano ano pa.


Sa Big C din ako nabili nang pang diet kong food. Meron silang salad bar na ikaw ang gagawa nang sarili mong salad. Malaki din ang fruit section. Naaadik ako sa suha dito pati sa mga fresh juice from fruits and vegetables. Yung pure at walang halo. Pag bumili ka nang anim na bottles, may libre kang isa. Gusto ko talaga mag-diet dito. Nakakatulong din yung di mo maintindihan yung salita, at least di ka nakakabili nang junk food. Haha! Dito din ako bumibili nang mga microwavable na food. Alam niyo na, di marunong magluto. Hehe.


Sa Big C din masarap mag food trip. Mga authentic thai food at kung ano ano pang international food kasi nga andaming foreigners dito. Pero wala pa din akong na-ta-try na thai food. LOL. Naaadik ako dito sa grilled pepper chicken, ewan ko ba, lalo na sa 999 Steak Corner. Ang plated pepper chicken nila dun, may kasama nang salad, fries, toasted bread at onion ring. Ring lang, hindi rings. Kasi isang piraso lang. Haha. Pero malaki naman. And the food costs 79B only. Can you believe that! Sa Big C ko din na-discover ang Green Tea blizzard nang DQ.


Isa sa mga worries ko dati ang food nung bago pa lang ako dito but thanks to Big C, hindi ako nahirapan mag-adjust. Hehe. Pinrovide niya ang mga kailangan ko sa mura at tamang halaga, at swak sa aking panlasa. And as long as there's Big C, I'll be fine. Haha!

Thursday, June 28, 2012

NBI Car Shopping Doctor

Yesterday, we started our day early ni hubbee. Let me summarize our very long day.

NBI. We went to the satellite branch sa Victory Mall sa alabang palengke. Dumating kami doon nang 7:30am at nadatnan na namin ang napakahabang pila. Plus pa yung init nang lugar. Wala pang aircon na bukas kasi sarado pa yung mall. We waited in line for 30 minutes until namigay na nang number. Pagkabigay sa amin, 10:00am pa kami kailangan bumalik. So we have 2 hours pa.


Car. Dahil wala kaming pwede pang gawin at sarado pa ang mga mall, naisip ko na lang na ipaayos ang aircon ni Khenzo sa ATC. Naisip ko may mga sosyal na talyer pala dun. So we gave it a try. Pumunta kami sa McFarren Car Shop. Sosyal nang name di ba! Tunog banyaga. Haha! So naayos na ang aircon nang sosyal na shop pero sosyal din ang bayad. Haha! Nganga na lang. Pero at least malamig na uli si Khenzo!


We went back to NBI, pumila, nagfill out nang form. Process 1, pila sa data checking. When it was our turn, pasok sa banga kami! Process 2, pila naman for payment nang P115.00 for the clearance. When it was our turn, pasok uli kami! Process 3, another pila for data encoding. Dito kami natagalan. But when it was our turn, pasok uli! Process 4, biometrics. Medyo bumilis ang pila doon at natapos kami agad. Process 5, last quick pila, releasing of clearance. 11:55am na nun. Eto ang result...

Hindi ko nakuha ang NBI clearance ko! Pinababalik ako nang July 12! Gusto kong pagtakluban nang langit at lupa. Grrrr! Wala na ako nun dito. Sabay akbay kay hubbee, "ikaw na ang kukuha nun ha". Hehe. Pero nainis pa din ako. Half of my day was spent in NBI pero di successful. Haha! Fine, I have to move on. Wala naman akong magagawa. 

Shopping. Dahil inis, pumila nang pumila, tiniis ang init, then walang napala, idinaan sa shopping sa Alabang Town Center. Kailangan kong bumili nang ilang gamit na dadalhin ko sa Thailand. Pants. Polo. Belt. Underwear. Shoes. I liked the brown shoes I bought. Si hubbee, nainggit, bumili din nang halos kaparehang shoes. May konting pagkakaiba lang sa design. Then I had a haircut sa fix, nagpa-print nang e-ticket for my flight at nagpa-picture nang 2x2.

Mackee
Hubbee

Doctor. Dahil may 4pm appointment ako sa doctor para i-check na yung status nang left ear ko, umalis kami nang ATC nang 3:30pm. Pero eto ang catch. Pagdating doon, wala pa yung doctor. Sabi ite-text daw nila kung darating. Kung darating???? So hintay hintay. Hanggang sa hintay hintay pa din. Ang ending balance result: WALANG DOCTOR. Grrrr!!! Nakakainis. Paano na ang tenga ko!!!

Ending nang story ---> Umuwi. Pagod. Natulog. Bow!