Monday, July 30, 2012

Cheequita Girls

In times like this, I miss my friends in the Philippines. Those friends that supply my daily dose of laughter before. I particularly miss my cheequita girls Hazel and Drey. Actually tatlo sila, kaso yung isa cheequita pa-girl, si Ash. Hehe. I miss hanging out with them. Whenever I'm with them, it's all about having fun and being care-free. Masaya silang kasama. Mataas ang level nang sense of humor ni Hazel at Ash. Si Drey, sakto lang. Taga tawa. Haha. Bihira kami mabuong apat. Madalas may absent na isa. Pero pag nabubuo kami, walang katapusang tawanan. I swear!!!


They were my agents when I was still a Team Leader. I handled them for more than a year kaya di biro ang mga pinagsamahan namin. Ngayon, proud ako sa mga naabot na nila sa takbo nang career nila. Sa work na din nabuo ang pagkakaibigan namin. Upto now, TL pa din ang tawag nila sa akin. Hirap na silang baguhin yun. Di na din matatawaran ang pinagsamahan namin bilang magkakaibigan. Mga lugar na pinagtambayan namin, mga kwentong pinagsaluhan, mga tawang sabay sabay naming ginawa. There were ups and downs but no matter what, they are my friends for life.

What I liked about these three is that they know how to put the boundary bilang kaibigan ko at bilang leader nila. Never sila nag-take advantage and they respected me as their leader even at times that I had to make them learn their lessons. Actually naging kaibigan ko naman lahat nang ahente ko. Naging extra special lang sila kasi sila mismo ang nagre-reach out sa akin lalo na pag busy ako at tsaka nung times na naghandle na ako nang ibang team tsaka na-promote na ako. And they really listen to me.

It was actually Drey and Hazel first. Nagsimula yung bonding naming tatlo nung palagi kami tumatambay sa KFC sa gas station sa SLEX. Pare-pareho kasi kaming sa laguna umuuwi nun. Sumasabay sila sa akin. Tapos lagi kami nagyaya-yaan tumambay at kumain muna sa KFC. Hanggang sa naging ugali na naming gawin yun. Dun lang kami, magkekwentuhan, magtatawanan. Ang ingay ingay namin sa loob. Madalas kami lang ang tao kasi madaling araw kami nandoon. Kilala na nga kami nang staff nang KFC. Hehe. Di ko na nga mabilang kung ilang importante at walang kakwenta kwentang topic na ang napag-usapan namin doon. May mga seryoso, then madalas, puro kalokohan. Doon nagsimula. We never planned nor intended to be that close. It just happened.

I remember tuloy one time, nung nilihim ko yung getting to know stage namin ni hubbee sa kanila, dun sa KFC ko inamin sa kanilang dalawa. My confession to Drey and Hazel. At sila ang unang nakaalam na kami na ni hubbee. Yun ang pinaka-memorable sa akin. I had to record the conversation and that video became my laughing memory of that night. Every time I watch this video, it makes me smile, it makes me laugh, it makes me happy to have friends like them. They did not judge me but accepted everything just like a real friend.


This video is so hilarious. Pagka-amin ko sa kanila, which dun nagsimula itong nakakatawang conversation, napag-usapan na ang spark. Then naging passionate na ang isa't isa sa topic, actually silang dalawa, then I started recording them. Kasi nakakatuwa talaga sila mag-usap. Hanggang sa napunta na sa kurutan nang boobs, then bumalik sa pagsumbat na nilihim ko sa kanila, then sa zipline, sa Bukidnon, hanggang kay Yaya at Angelina na ginawang Yaya at Angelica ni Drey. Lakas nang tawa ko sa part na yun. Hay! I miss them. Take care girls! Von Viajero misses you so much!

4 comments:

  1. hahah! classic tong video na to TL! hay nku, sa inyo lang ako nakakatawa at nakakatili ng walang humpay. walang katumbas tlaga! lagi ko namimiss un TAYO... (^_^)

    ReplyDelete
  2. i miss you both.. mas sobrang miss ko kayo.. natawa at naiyak ako dito. baliw lang, haha!

    ReplyDelete
  3. Oh well, that's us. Baliw forever =)

    ReplyDelete