Showing posts with label DQ. Show all posts
Showing posts with label DQ. Show all posts

Wednesday, July 18, 2012

Big C

 
One of the things that I enjoy doing back in the Philippines and together with hubbee was doing grocery. For some reason, may kasiyahan sa aking puso pag nasa loob ako nang grocery store. Kasiyahan? LOL. Actually, kahit sa palengke (not all, yung maayos at konting malinis), natutuwa din ako. I remember when I was still a kid, nagwawala ako at umiiyak nang walang humpay pag di ako sinasama ni mommy sa palengke. Kumakapit talaga ako sa tricycle na sasakyan ni mommy. Ganun. Ewan ko ba, kaya lumaki akong happy day sa akin ang grocery day.


So here in Pattaya, walking distance lang ako sa palengke. Siguro mga 5-7 minutes lang. When I rented this apartment, I needed some stuff that I will use to maintain the cleanliness of it. Oh ha! Hubbee, nababasa mo ba ito! Iniisip ko ang paglilinis. LOL. Doon ako sa palengke bumili nang mga hanger, basurahan, walis, dust pan, basahan at extension. Para kasing isang malaking bodega siya na andun halos yung pwede mong kailanganin sa bahay. Mura pa. Aliw!


Pag food naman, sa Big C ako pumupunta na I mentioned before na parang Shopwise o SM Hypermarket natin sa Pilipinas. Parang one-stop shop store. May tatlong Big C dito sa Pattaya. At napuntahan ko na agad silang lahat. Haha. Yung una, nung bumili ako nang sampayan nang damit. Yung pangalawa sa Central Center Pattaya, doon naman ako bumili nang mga gamit ko sa paglalaba at nang microwave oven. Yung pangatlo ang favorite ko sa lahat, at ang pinakamalapit sa akin, one motorcycle away, ang Big C Extra. Doon ako nakabili nang comforter na mura, nang malaking salamin, konting pang-decor sa apartment at nang kung ano ano pa.


Sa Big C din ako nabili nang pang diet kong food. Meron silang salad bar na ikaw ang gagawa nang sarili mong salad. Malaki din ang fruit section. Naaadik ako sa suha dito pati sa mga fresh juice from fruits and vegetables. Yung pure at walang halo. Pag bumili ka nang anim na bottles, may libre kang isa. Gusto ko talaga mag-diet dito. Nakakatulong din yung di mo maintindihan yung salita, at least di ka nakakabili nang junk food. Haha! Dito din ako bumibili nang mga microwavable na food. Alam niyo na, di marunong magluto. Hehe.


Sa Big C din masarap mag food trip. Mga authentic thai food at kung ano ano pang international food kasi nga andaming foreigners dito. Pero wala pa din akong na-ta-try na thai food. LOL. Naaadik ako dito sa grilled pepper chicken, ewan ko ba, lalo na sa 999 Steak Corner. Ang plated pepper chicken nila dun, may kasama nang salad, fries, toasted bread at onion ring. Ring lang, hindi rings. Kasi isang piraso lang. Haha. Pero malaki naman. And the food costs 79B only. Can you believe that! Sa Big C ko din na-discover ang Green Tea blizzard nang DQ.


Isa sa mga worries ko dati ang food nung bago pa lang ako dito but thanks to Big C, hindi ako nahirapan mag-adjust. Hehe. Pinrovide niya ang mga kailangan ko sa mura at tamang halaga, at swak sa aking panlasa. And as long as there's Big C, I'll be fine. Haha!

Monday, July 16, 2012

Food Discoveries Part I

Being here in Pattaya, Thailand for 11 days made me discover some good food treats that I have only found and tasted here. Food na pasok sa aking mapiling panlasa. I'm not into food exploring kaya whenever I like something, I stay loyal to it. I even haven't explored the thai cuisine up to now. Hehe. I'm still sticking to the usual food I have accustomed to eat. But let me share 5 new discoveries I have found here in Pattaya.


1. Green Tea Blizzard. I normally order Double Dutch flavor sa Pilipinas. Pagdating dito, wala sila noon. But I'm happy na may Dairy Queen sila dito. So not to take the other normal orders, I tried the green tea flavored ice cream nang DQ. Masarap!

2. Mojito Krusher. Sa Pilipinas, ang Krusher is yung shake style. Dito, nakakaaliw dahil meron silang mojito flavored na Krusher na plain drink. Although hindi siya alcoholic, pero malalasahan mo yung mojito flavor somehow. Aliw!

3. Meiji Milk. In terms of milk, I have been loyal to Selecta Fortified milk sa Pilipinas. Either straight drink or I use it sa cereals ko. Dito, I discovered this good tasting milk in 7-eleven and found also in groceries. I think I saw this milk sa Singapore but I haven't tried it. Dito ko lang siya nasubukan.

4. Pepper Steak Burger. Naaadik ako sa pepper steak burger nang Chester's Grill. Para siyang competitor nang McDonalds. Kung sa atin Jollibee, dito, Chester's Grill. Fast Food din siya. And this chicken burger na pepper steak flavor is such a good quick food that I can always count on.

5. Guava Juice. Nung una ko siyang inorder sa japanese fast food na kinainan namin ni Nana, akala ko nakakadiri yung lasa. But it wasn't. Masarap. Tama lang yung lasa. Everytime kasi na nakakaamoy ako nang bayabas sa Pilipinas, may weird feeling akong nararamdaman. But this one is a good drink that I have tried.

These are just few of the things I am discovering here in Thailand. I hope that someday magkaroon din nang ganito sa Pilipinas.