Showing posts with label Walking Street. Show all posts
Showing posts with label Walking Street. Show all posts

Monday, July 23, 2012

Candy Shop

Ang sarap talaga nang candy. Nag-enjoy ako mamili nang mga...

LOL.

Okay, this is not about candies nor where it can be bought. This is a post of the gimmick we had at Candy Shop in Walking Street last July 16 where we watched Janice on her last day performance in Pattaya for her visit here. As mentioned in my previous post (see this entry "Drunk"), I was with the "Pattalogs" gang or the Pattaya Jologs (Nano & Nana, Kuya Ogie, Cholo, Ray and me) that night coming straight from Bangkok. And yes, that's how we call ourselves now. LOL. At eto yung gabing ako'y nahilo at nalasing. Hehe.

Me, Nana & Ray
Kuya Ogie, Cholo, Me and Nano
Me and Nana

This is Janice doing Super Bass of Nicki Minaj. Pasensya na at medyo madilim. I just used my ever portable Blackberry phone. But anyways, going back to Janice, regardless of her size, she really can move and dance and entertain people aside from her very nice voice. And most of all, mabait at di suplada. Di mo mararamdamang sikat siya. And she's pretty.


Masarap sumayaw sa Candy Shop. Maganda ang live band. And during the band break, maganda yung mga music na pinapatugtog nang DJ. I won't mind going back, but I don't want to get drunk again just like what happened the last time.

Never again (weh). Haha!

Sunday, July 15, 2012

Drunk

 
I don't really drink and I don't normally go out to get drunk. But tonight was an exception. I got home so drunk, the first time I felt this heavy truck inside my head. It sucks! This is why I don't drink and get drunk. This shit feeling after...

While I'm on my way back to Pattaya from Bangkok, my cousins were sending me messages over BBM. It's Janice's last night sa Pattaya na daw that's why they want to watch her and they are inviting me to join them. Janice is a famous pinay band singer in Thailand. She's actually the highest paid pinay singer. It's her last night at the Candy Shop at babalik na sa Bangkok bukas. Sumunod na lang ako. Candy Shop is located at the Walking Street. Nilakad ko lang kasi malapit lang siya sa place ko.

Dahil na-try ko ang Singha Beer sa Bangkok and it did not knock me off, pumayag na ako sa invite nila to order a drink. The place was crowded, as expected, nang mga pokpok at nang mga foreigners, but the music jamming was a blast. Now I know why they are paid high. They are really really very very good. Nadala na ako nang music, na-enjoy ko na ang gabi, ang mga kasama at ang iniinom.

Lumipat naman kami sa Lucifer kung saan kumakanta si Nana. Di kami nagtagal dun dahil nauusukan si buntis kaya tumambay sa labas. Pagdating doon, may inabot na naman na Singha Beer. Inom na naman. Then balik uli nang Candy Shop. Sayaw. Indak. Inom. Hanggang sa nagutom lahat, umalis, pumunta nang KFC. Kumain. Pagkabusog, umuwi na mga pinsan ko. Pero si Janice at si Ray, yung bestfriend ni Nana, bumalik pa nang Walking Street.

At sumama ako sa kanila..

Ayoko pang umuwi. Ayoko munang mag-isa. Ayoko nang pagkakataong nag-iisip ka. Inaliw ko ang sarili ko kasama si Janice at si Ray. Bumalik nang Candy Shop. Nakilala ang ilang mga pinoy. May pinakilala ding vocalist na may itsura na ang kwento eh nagpapaka lalaki sa stage pero ang totoo, kauri. Nung napanood ko, totoo nga. 

Maya maya, bumalik na naman kami sa Lucifer, andun na ang ilang mga pinoy pa. Andami. Mga nagbabanda din. Nagkukumpulan na sa labas. Tapos na kasi ang mga gig. Yung iba, off nila. At simula 8:00 pm pa sila nag-iinom. Inalok na ako nang shot. Eto na, alak na. I refused. Quotang quota na kasi ako talaga. Pero binulungan ako ni Ray na wag mag-refuse, pa-welcome daw sa akin yun. So I had no choice but to take it. Hala, nagtuloy tuloy na ang mga pangyayari. Kwentuhan. Shot. Pakikisama. Pag-aaliw. 

Ending balance = DRUNK!

Umexit na ako. Baka di na ako makauwi pag di pa ako makaalis. Baka pulutin na lang ako sa kalsada. Ramdam ko na yung tama. Nilakad ko uli yung pauwi ko. Pinilit kong makauwi nang maayos kahit umiikot ikot paligid ko. Ganun pala yung feeling. Damn shit! And I thought na babagsak ako pagdating sa apartment. But I wasn't. What the hell is wrong with me! This is not so me!

I went out. I went to 7-eleven. Bumili ako nang comfort food ko. I think it was what I needed. Magnum Ice Cream. Tumambay ako sa balcony. Nagmasid nang mga tao sa baba. Nagpapababa nang amats. Shit! I can't believe I'm experiencing all of this. Sabi nga nang isang friend dito, when you are in Pattaya, you get drunk. Well, ngayon lang to. Di na mauulit ito. Sana...