Thursday, June 28, 2012

NBI Car Shopping Doctor

Yesterday, we started our day early ni hubbee. Let me summarize our very long day.

NBI. We went to the satellite branch sa Victory Mall sa alabang palengke. Dumating kami doon nang 7:30am at nadatnan na namin ang napakahabang pila. Plus pa yung init nang lugar. Wala pang aircon na bukas kasi sarado pa yung mall. We waited in line for 30 minutes until namigay na nang number. Pagkabigay sa amin, 10:00am pa kami kailangan bumalik. So we have 2 hours pa.


Car. Dahil wala kaming pwede pang gawin at sarado pa ang mga mall, naisip ko na lang na ipaayos ang aircon ni Khenzo sa ATC. Naisip ko may mga sosyal na talyer pala dun. So we gave it a try. Pumunta kami sa McFarren Car Shop. Sosyal nang name di ba! Tunog banyaga. Haha! So naayos na ang aircon nang sosyal na shop pero sosyal din ang bayad. Haha! Nganga na lang. Pero at least malamig na uli si Khenzo!


We went back to NBI, pumila, nagfill out nang form. Process 1, pila sa data checking. When it was our turn, pasok sa banga kami! Process 2, pila naman for payment nang P115.00 for the clearance. When it was our turn, pasok uli kami! Process 3, another pila for data encoding. Dito kami natagalan. But when it was our turn, pasok uli! Process 4, biometrics. Medyo bumilis ang pila doon at natapos kami agad. Process 5, last quick pila, releasing of clearance. 11:55am na nun. Eto ang result...

Hindi ko nakuha ang NBI clearance ko! Pinababalik ako nang July 12! Gusto kong pagtakluban nang langit at lupa. Grrrr! Wala na ako nun dito. Sabay akbay kay hubbee, "ikaw na ang kukuha nun ha". Hehe. Pero nainis pa din ako. Half of my day was spent in NBI pero di successful. Haha! Fine, I have to move on. Wala naman akong magagawa. 

Shopping. Dahil inis, pumila nang pumila, tiniis ang init, then walang napala, idinaan sa shopping sa Alabang Town Center. Kailangan kong bumili nang ilang gamit na dadalhin ko sa Thailand. Pants. Polo. Belt. Underwear. Shoes. I liked the brown shoes I bought. Si hubbee, nainggit, bumili din nang halos kaparehang shoes. May konting pagkakaiba lang sa design. Then I had a haircut sa fix, nagpa-print nang e-ticket for my flight at nagpa-picture nang 2x2.

Mackee
Hubbee

Doctor. Dahil may 4pm appointment ako sa doctor para i-check na yung status nang left ear ko, umalis kami nang ATC nang 3:30pm. Pero eto ang catch. Pagdating doon, wala pa yung doctor. Sabi ite-text daw nila kung darating. Kung darating???? So hintay hintay. Hanggang sa hintay hintay pa din. Ang ending balance result: WALANG DOCTOR. Grrrr!!! Nakakainis. Paano na ang tenga ko!!!

Ending nang story ---> Umuwi. Pagod. Natulog. Bow!

No comments:

Post a Comment