Showing posts with label Shoes. Show all posts
Showing posts with label Shoes. Show all posts

Friday, July 20, 2012

Shoes Part II

 
This is a confession of a shoe-a-holic. I wasn't able to control it. Just on my first week, I bought 4 pairs of shoes na. Damn! Nakakainis kasi, everywhere I go, there's shoes! At ang gaganda. At ang mura! What can I do??? Pero actually, napigilan ko pa sarili ko niyan. I can't spend so much on shoes pa. Aside from the fact na lagot na ako kay hubbee dahil nagpromise ako na magtitipid ako eh baka mamalimos na lang ako next month. LOL.


But I'm happy na kumpleto na basic colors ko uli. Actually, sinabi ko lang sa sarili ko na bibili lang ako nang black tsaka white para safe sa lahat nang damit. Nakakita naman ako. Yun nga lang, while searching, nakita ko itong red tsaka blue. Pinigilan ko naman sarili ko. Kaso inadya ata nang tadhana kasi napabalik ako. LOL. Am I trying to convince everyone on that reason? Haha.

 
If I'll stay longer here in Thailand, baka mapuno ko ang malaking cabinet nang TV nang mga sapatos. Andami ko nang nakita na gusto kong bilhin but I just can't pa. Soon! Binulungan ko naman sila, I said "I'll be back, promise". Sa Pilipinas kasi, hirap ako makakita nang shoes na gusto ko yung style at kulay na mura. Either gusto ko yung style at kulay pero mahal o mura at maganda yung style, di ko lang gusto yung kulay. Eh dito, para akong nilulunod sa sapatos na swak na swak sa style, kulay at presyo. Haha!

Kung nagbabakasyon nga lang sana ako, inubos ko na ang milyones ko sa mga sapatos. Promise. Haha!

Friday, June 29, 2012

Shoes

While cleaning the shoe cabinet yesterday, I had to start picking which are the shoes that I will bring to Thailand. Okay, for a guy who loves shoes, that is like a million dollar task. That was not an easy thing to do. So I thought of using different approaches to make it easier for me to choose.


Approach 1: Which shoe is photogenic?

So I took all the shoes out and took a picture of them one by one. Effort! But after 14 pairs of shoes, I realized that I still have shoes inside the car pati sa laguna. So I felt it's an unfair approach. So I decided na wag na nga lang na ganitong approach.

Approach 2: Which shoe is the latest?

I thought of just bringing the ones I bought most recently. Naisip ko, at least bago pa. Yung quality nang shoes, maganda pa. So I segregated and classified them according to the day, month, and year it was bought. Then, pagkuha ko sa pangatlo, hindi ko maalala ang purchase date. Pass muna. Then the next one, ganun pa din. Di ko na rin ma-recall. I don't wanna cheat. I felt it was unfair for some shoes. So okay, I scrapped that approach.

Approach 3: Which shoe will best fit my clothes I'm bringing?

I somehow felt this is the best and most practical approach. Duhh! Even a 7 year old will think of that. Haha. Bakit ba! So ayoko nang pahabain yung storya. Kasi naging madali ang buhay using this approach. Nakapili na ako nang apat na shoes na dadalhin ko. Isang pang corporate, isang pang casual, isang pang jogging ko, at isang pang tour all over Thailand. May ganun? Haha.


Marami pa din ang apat?

Oh you better shut your mother fuckin' mouth!!! LOL. I'm all good. Okay na. 4 shoes.. 4 shoes.. Some, I will sell on sunday for my garage sale sa laguna. Waaah, bye to some of my shoes. It's time to let go and meet new ones... Hehe.

Thursday, June 28, 2012

NBI Car Shopping Doctor

Yesterday, we started our day early ni hubbee. Let me summarize our very long day.

NBI. We went to the satellite branch sa Victory Mall sa alabang palengke. Dumating kami doon nang 7:30am at nadatnan na namin ang napakahabang pila. Plus pa yung init nang lugar. Wala pang aircon na bukas kasi sarado pa yung mall. We waited in line for 30 minutes until namigay na nang number. Pagkabigay sa amin, 10:00am pa kami kailangan bumalik. So we have 2 hours pa.


Car. Dahil wala kaming pwede pang gawin at sarado pa ang mga mall, naisip ko na lang na ipaayos ang aircon ni Khenzo sa ATC. Naisip ko may mga sosyal na talyer pala dun. So we gave it a try. Pumunta kami sa McFarren Car Shop. Sosyal nang name di ba! Tunog banyaga. Haha! So naayos na ang aircon nang sosyal na shop pero sosyal din ang bayad. Haha! Nganga na lang. Pero at least malamig na uli si Khenzo!


We went back to NBI, pumila, nagfill out nang form. Process 1, pila sa data checking. When it was our turn, pasok sa banga kami! Process 2, pila naman for payment nang P115.00 for the clearance. When it was our turn, pasok uli kami! Process 3, another pila for data encoding. Dito kami natagalan. But when it was our turn, pasok uli! Process 4, biometrics. Medyo bumilis ang pila doon at natapos kami agad. Process 5, last quick pila, releasing of clearance. 11:55am na nun. Eto ang result...

Hindi ko nakuha ang NBI clearance ko! Pinababalik ako nang July 12! Gusto kong pagtakluban nang langit at lupa. Grrrr! Wala na ako nun dito. Sabay akbay kay hubbee, "ikaw na ang kukuha nun ha". Hehe. Pero nainis pa din ako. Half of my day was spent in NBI pero di successful. Haha! Fine, I have to move on. Wala naman akong magagawa. 

Shopping. Dahil inis, pumila nang pumila, tiniis ang init, then walang napala, idinaan sa shopping sa Alabang Town Center. Kailangan kong bumili nang ilang gamit na dadalhin ko sa Thailand. Pants. Polo. Belt. Underwear. Shoes. I liked the brown shoes I bought. Si hubbee, nainggit, bumili din nang halos kaparehang shoes. May konting pagkakaiba lang sa design. Then I had a haircut sa fix, nagpa-print nang e-ticket for my flight at nagpa-picture nang 2x2.

Mackee
Hubbee

Doctor. Dahil may 4pm appointment ako sa doctor para i-check na yung status nang left ear ko, umalis kami nang ATC nang 3:30pm. Pero eto ang catch. Pagdating doon, wala pa yung doctor. Sabi ite-text daw nila kung darating. Kung darating???? So hintay hintay. Hanggang sa hintay hintay pa din. Ang ending balance result: WALANG DOCTOR. Grrrr!!! Nakakainis. Paano na ang tenga ko!!!

Ending nang story ---> Umuwi. Pagod. Natulog. Bow!