Monday, September 24, 2012

After Almost 3 Months

Walang katapusang exchange of BBM messages. Tinapos na lahat nang dapat i-send sa email na kakailanganin. Binilin na ang lahat. Nakapag-skype na at naituro na ang dapat ituro. Napayo na ang lahat nang dapat malaman. At tinatapos na niya yung bagahe niya. Last day na ni hubbee sa Pilipinas today. Busy na siya to prepare his things for his flight tomorrow. This is it! I will finally see hubbee after almost 3 months.

Tuloy pa din ang dasal ko. Na sana makalusot siya sa Immigration sa NAIA airport. Sana hindi siya harangin. Sana walang maging aberya. Grabe ang kaba at pag-aalala ko dahil pag naharang siya, nganga na lang ako. Wala nang hubbee, nasayang ang lahat nang effort, masasayang pa ang perang pinambili nang ticket. Lahat na nang dasal at orasyon, ginawa ko na. Sana naman, mapagbigyan ang hiling nang aking puso. Para sa aming 3rd year anniversary celebration. Please po!!!

Mag-aayos na din ako. Papunta na ako nang Bangkok later at makikitulog sa aking kaibigan doon na si Marlowe. Para bukas, deretso na ako nang airport dahil early flight si hubbee. First time ko din pumunta nang airport bilang magsusundo at hindi pasahero. So kailangan ko pumunta nang maaga at baka maligaw o malito ako. Malaki pa naman ang airport nang Bangkok. Sana matuloy ang lahat. Sana matupad ang lahat nang pinlano. Sana may susunduin akong hubbee. Sana...

Have a safe flight hubbee! I claim na makakaalis ka. I'll be back blogging in the next coming days. Iu-update ko kayo sa mga susunod na pangyayari. See you all folks! See you in the next coming days Pattaya! Hopefully, with my partner...

No comments:

Post a Comment