Thursday, August 30, 2012

Bridal Show & Wedding Fair

I was so excited to attend this Bridal Show & Wedding Fair nang Centara Grand Mirage Beach Resort last two weeks ago. However, it was a major epic fail. LOL. Natawa na lang kami ni nana sa experience na yun. Here's what happened...

After lunch nang sunday, August 12, we left the house. Dala namin yung lunch ni nano. Dumaan muna kami sa office niya sa City Garden Condominiums para ihatid yung food. After, we went to the venue na. Excited pa kami nun!

It was a short drive from the city center. Doon kasi siya sa area nang mga luxury hotels and resorts. Nakapunta na doon si nana dati for a wedding nang co-singer niya pero hindi lang niya matandaan na eksakto yung daan. Kaya hinanap pa namin. Nag-dora the explorer mode pa kami. Buti na lang may GPS yung sasakyan, at may internet service ang blackberry phone, natulungan kaming mahanap yung lugar. The power of technology!

Pagdating sa resort, I was in awe. Ang ganda ganda nang place. 5 star hotel nga. Pagka-park, hinanap na agad namin yung exact location nang event. Inisip pa namin baka ma-late na kami. So pagdating doon, nakita na namin yung set-up, kaso, tapos na pala. Haha! In-effort pa namin hanapin yung lugar, ready na ang mga business cards ko, handa na akong makipaghalubilo, hinatak ko pa si buntis sa lakad na yun dahil baka swerte siya sa akin, wala pala kaming madadatnan. Major LOL for the day yun.


Ang ending balance? I took pictures of the place na lang para ma-blog at ma-share ko yung ganda nang place to everyone. Umuwi na kami after. Natawa na lang kami sa sasakyan. Panay kasi imagine kami nang mga free taste nang cakes at iba ibang food while on our way, na-jinx tuloy. Hehe. Di bale, wala mang bridal show and wedding fair na naabutan, nasilayan ko naman ang ganda nang Centara. Someday, babalik ako doon, kasama na si hubbee at ang mga kaibigan ko dito, magche-check-in kami!

No comments:

Post a Comment