One afternoon, after ko makatulog sa tanghali, at eksaktong paggising ko, may tumawag sa phone ko. Number lang. Akala ko naman kung sino, pagkasagot ko, si Nana pala. Kay Ray na phone pala yun. On the way na daw sila sa apartment. Gusto nilang kumain somewhere. Kasama nila si Bobo at si Toots, ang mga aso nila. Sakto din naman, di pa ako nagla-lunch. Gutom na din ako. Naghilamos, nag-toothbrush at nag-ayos lang ako. Maya-maya nasa baba na sila. Kasama ang mga cute na cute na aso. Saya!
Pumunta kami sa TukCom IT Mall bitbit ang aming mga alagang aso. But
while on our way, bumili muna kami nang milkshakes. Pag kasama ko kasi
yung dalawa, kahit anong makita na gusto nila, basta pag food trip
moment, naku, bibilhin nila. Sila yung mga happy-go-lucky na mga tao na
kapag kasama mo, random moments lang. Madalas biglaan. Kung ano lang maisip nila. Kung ano lang maging cravings nila. Masaya kasama si Ray at si Nana.
Then kumain kami sa Simply Delicious. Libre ni Ray. Mahilig manlibre yun pag bagong sweldo. Nakatikim na din ako nang mga pagkaing bago sa aking panlasa, except the spare ribs. Gumawa nang masarap na sawsawan si Ray, na-enjoy ko nang sobra yung spare ribs! Masarap kumain yung dalawa. Si Nana, takaw tingin naman. Si Ray, basta pag gutom, ine-enjoy niya ang pagkain. Yung dalawang aso, enjoy sa mga nakikitang tao. Tinali lang namin sa upuan.
After, ikot ikot, bili nang kung ano ano sa South Pattaya Road. Nakakatuwa kasama ang mga aso. Bukod sa agaw atensyon sila sa mga tao, nakaka-aliw sila panoorin kung paano nila ine-enjoy yung labas nila. Madalas kasi, sa loob lang sila nang apartment. Buti nga naisipan nung dalawa i-walk yung mga dogs. Ako man, na-enjoy ko yun. Ako kasi ang humawak na sa tali ni Bobo. Si toots, suplado sa akin yung nung una. Ngayon, friends na kami. Mabilis daw nag-warm up sa akin si Toots dahil suplado daw talaga yun. Till our next Dogs Day Out!
No comments:
Post a Comment