Happy Chapter XXXV hubbee!
35 months na. Isang buwan na lang, anniversary na natin. Ang bilis nang panahon. Parang kailan lang. Excited na ako! Di lang ako masaya, masayang masaya pa. Dahil sino bang mag-aakala na tatagal tayo nang ganito. Hindi ko inasahan, I'm sure di mo din inasahan. Lagi kita tinatanong dati noon, kung tatagal ba tayo. Naiinis pa ako sa sagot mo, dahil palaging "hindi ko alam". Pero lagi mong sinasabi na, "Mackee, mahirap mangako, pero pag nagmahal ako, gusto ko pangmatagalan"
Unti unti na tayong nakaka-adjust sa long distance relationship. Although andiyan pa din ang hirap at lungkot, yung pagka-miss sa isa't isa, yung feeling na napilay tayo dahil wala na yung isa sa tabi, pero unti unti na nating naitatakbo yung buhay natin na malayo sa isa't isa. Thankful ako kasi sa awa nang Diyos, nakakayanan natin. Thank you for having that strong faith in God, and for the faith in our relationship. Thanks for your prayers.
Pagdating nang tamang oras, nang araw, nang panahon, alam kong makakasunod ka na dito, magkakasama na uli tayo. Siguro kinailangan natin itong time away from each other so we can spend time with ourselves. So we can miss each other so much and value a lot of things which we oversee before nung araw araw tayong magkasama. I can't wait for the day na magkatabi na uli tayo matulog. Soon, that special day will come. Just hang on. Kaya natin ito!
No comments:
Post a Comment