Wednesday, August 22, 2012

Vertigo Attack

On my last day sa apartment, pagkagising ko, biglang umikot pabaliktad paligid ko. Nagpanic ako. i knew it was a vertigo attack. Partly, nagpanic ako sa thought na mag-isa lang ako while it's happening. I remember the last time I experienced this, kasama ko si hubbee nun. Dun pa kami sa condo sa Centropolis nakatira nun. Somehow kahit nagpapanic ka, may konting relief kasi alam mong may kasama ka. Na kahit tumumba ka, may bubuhat at aalalay sa'yo or may magdadala sa'yo sa hospital. Marami kasi ang nababagok ang ulo pag may vertigo attack. Bigla na lang kasi natutumba somewhere.


But that day, I was all alone. I had to be courageous dahil wala akong choice. For a few minutes, I did not move. I let it normalize hanggang sa maging okay na. But everytime na humihiga ako, bumabalik yung vertigo. Kaya tumayo ako, tinry maglakad lakad, uminom nang tubig hanggang sa maging okay na. Doon na ako nagcontact nang mga tao. That night, dinala ako sa doctor to see my condition. After a series of tests, normal lahat. My blood pressure, my sugar, my hemoglobins. Thank God! After a few days, okay na ako.


I guess it was because of stress, lack of sleep, thinking of too much about so many things. Ibang klase na talaga ang stress ngayon. Kaya na niyang pahirapan ang buhay natin. Akala ko medicine free na ako, bumalik na naman ako sa iniinom ko. Hay! Isa lang ang gamot na kailangan ko. Si hubbee!! Sabi niya sa akin, baka namimiss ko lang daw siya or thinking about him too much daw yun. Kapal nang mukha, di kaya. LOL.

No comments:

Post a Comment