One of the things I like here in Pattaya is that they have so many mobile carts that sells different kinds of quick food. Parang mobile fast food or moving street food. Hehe. And what a discovery that they also have a mobile crepe. I never saw one in the Philippines. Pag sinabi mong crepe kasi sa akin, ang naiisip ko agad eh yung sa Boracay, or Cafe Breton, or yung sa mga malls. But I haven't seen one being sold in the streets. Pag sinabi mo namang mobile carts kasi sa akin, ang naiisip ko agad, either fish balls, chicken feet, balat nang manok, toknene, etc.
When I go to the gym, I sometimes see one. Naglalakad lang kasi ako. And everytime I see a mobile crepe, lagi namang saktong wala akong dalang pera para bumili to try it. One time, coming from Central Festival Mall, palakad pauwi at malapit na ako sa apartment, sa may 2nd road, nakakita ako. Finally. This is it moment. Bumili ako nang isa to try it. It costs 20B only. It has pork floss and hot dog in it. Although hindi ito yung crepe na kinasanayan kong kainin sa atin, but it was good when I tried it. Nakakabusog actually. Ginawa ko siyang dinner. Mura na, busog pa ako!
Then the other day, sa may palengke, pagkabili ko nang suha, sa tabi nang tindahan ay may mobile crepe. Bumili uli ako. This time, eto naman yung crepe na ang laman eh egg at banana na nilalagyan nang condensed milk at sugar sa ibabaw after maluto. This one costs 35B. Yung egg nila dito, color brown, hindi white. Pag gusto mo naman nang doble yung arina para mas makapal, 40B siya. Then, pag gusto mo naman nang mas matamis kasi ang condensed milk nila dito eh di masyado matamis di tulad nang sa atin sa Pilipinas, you can add chocolate syrup. 45B na ang presyo.
Nakakabusog. Nakakatuwa. Pag nakakatyempo, bumibili talaga ako. Pero ayaw ko namang araw arawin. Hehe. At least may bago na akong favorite fast food!
No comments:
Post a Comment