Halos buong araw nang friday, after nang saglit na photo shoot, nagligpit na kami nang mga gamit. We started packing. May konting bigat sa dibdib kasi andami talagang good memories inside our place. But it's time to move on. Gabi na kami natapos. Sobrang pagod. Actually, mas nauna akong napagod at nagpahinga (what's new?). Si hubbee na ang tumapos nang lahat (what's new uli?). Hehe.
Naempake ko na rin ang gamit na dadalhin ko sa Thailand. Eksakto na siyang 20 kilos. Pati ang hand carry ko, okay na. Ang mga maleta ni hubbee na dadalin niya sa manila kung saan na siya titira, okay na. Ang mga iuuwi namin sa laguna, okay na din. Saturday after lunch, nagsimula na ang aming moving out process. Inuna muna namin ang mga gamit na ihahatid sa Manila.
Pagdating nang Pasay, nahuli pa kami because of smoke belching. Ang mga buwaya talaga sa magallanes fly over. Ang lakas rumaket. Pero mas magaling akong umarte, at sa ilang minuto namin sa kanila, ang ending nang story, binigyan ko na lang nang P300.00. Aba! gusto akong hingan nang P1,500.00, ano sila, hilo?! Nilabas ang telepono, kumausap nang fake na tito, at dramang sunduin ako at magsama nang mga tao. Tipong hasyendero lang. Nasindak si kuya, pumayag na sa P300.00. Haha!
So pagdating sa Manila, nagsimula na kaming magbaba nang gamit. Sa laguna muna kami until my departure kaya iniwan lang muna ni hubbee yung mga gamit niya dun. Pagbalik nang Tribeca, sinimulan naman namin ang paghakot nang mga dadalhin sa laguna. Unfortunately, nagdalawang balik kami. Akala ko kasya na nang isang hakutan, hindi pala. Natapos kami sa dalawang balik sa laguna around 11:00pm na.
I took pictures of how it looked after. The stuff we'll leave and the unit without us and our things. Sad. I stayed for a few minutes while hubbee went ahead na. I just looked around and remembered all the good memories that hubbee and I had in unit 4I. It was an emotional scene also nung nilo-lock ko na yung pinto and closed the lights for the last time. Waaah! We also took some pictures of us at the lobby. Remembrance.
So from Sucat, to Manila, to Sucat again, to Laguna, back to Sucat, and back to Laguna again, ganyan ang naging eksena namin last saturday. Sobrang pagod. Pagod sa paghakot, pagbuhat, at pagdrive. But thank God it's all okay na. Someday, babalik talaga kami sa Tribeca to visit and reminisce all the good and wonderful memories we had there...
No comments:
Post a Comment