Wednesday, July 11, 2012

First Day In Thailand Part III

When it was time to leave, nagfreshen up lang ako at nag-ayos nang kaunti. Sa balcony nang apartment nila, totoo nga ang tsismis na ang katapat na establishment is a hotel with a gym at pool. What's special about the place? Russian men and women just go naked when they swim. Gusto nilang mag sun bathing nang naked. Ang gaganda nang mga russian girls. Sexy. The apartment is heaven for straight guys. Haha! Hubad kung hubad lang mga girls. Buyangyang kung buyangyang. Topless or full naked.


So we left the apartment, Jomar picked us up again and dropped us at Central Festival Mall, just in front of the Pattaya Beach and where Hilton Hotel is located. Di pa rin ako nalayo sa "Festival Mall". Haha. Maganda at malaki yung mall. I suddenly felt I belong to the place agad. Haha. Dahil lang sa ganda nang mall. I can't recall how many floors. Puro sale pa. Shopping paradise!!!


We just strolled around, inikot ikot lang nila ako at pinatakam sa magagandang damit at sapatos na mura. Hay! Kailangan magpigil. Ayokong magsplurge sa unang araw ko. Haha! Mga next day. LOL. Then we had milk tea at Wawa Cha. Nakakatakam ang mga pictures kaya na-attract kami. I had boba green tea latte. Sarap!!!


Then they brought me to see the overlooking Pattaya beach. Ganda! Sarap tumambay dun at magrelax relax lang. 


We decided to visit my Tita Fely, my cousins' mom, sa Jomtien. Sumakay kami nang Baht Bus, their public transportation. Ang nakakaaliw sa sasakyan na ito, may area talaga siya for sabit. Aliw! At sumabit talaga ako. So you can see the view and our way to Jomtien. Sa Pilipinas, nahihiya ako sumabit sa jeep, dito, walang hiya hiya. Saya kaya! 10 Baht ang pamasahe per person which you will give pagkababa mo. May buzzer pa pag bababa ka.


While waiting for Tita, kumain muna kami sa Food Corner, merienda, tapat lang nang Jomtien beach. This beach has less crowd compare sa Pattaya beach. Ang sarap nang hangin, para kang dinuduyan. We ordered pizza, pasta tsaka may pinatikim sila sa akin na spicy thai food. Di ko kinaya. Di talaga ako mahilig sa spicy. Tapos bumili na ako nang sim card ko. DTAC is the provider. Nana helped me get a BB service.


Nang dumating na si tita, konting kamustahan, then we went back to the apartment kasama siya. Doon na kami tumambay. Maya maya, nagkayayaan mag badminton. Wow! Active lifestyle agad. Haha. At di naman masyado hectic ang first day ko. LOL. After an hour of game sa Diamond Badminton, sobrang natagtag katawan ko, pati na rin siguro mga fats ko, pagdating sa house, bagsak na agad.

 
That's how my first day in Thailand went. Sulit na sulit lang di ba. Haha!

No comments:

Post a Comment