Our plan to hear mass last sunday was not successful dahil saktong pagsara namin nang garage sale to prepare, sabay bumuhos ang napakalakas na ulan for some reason. Sa village kasi nila mommy, pag bumuhos nang ganung kalakas, binabaha nang OA na baha. Kaya di kami makaalis. Lungkot na lungkot ako nun kasi looking forward na ako magsimba.
So we decided to hear mass sa bayan nang San Pedro the next day. Monday morning, we attended the 6:00 am mass. Kaso kami lang tatlo, si mommy, si hubbee at ako. Di na sumama sister ko. After the mass, I thought of eating sa Jollibee kung saan I used to eat a lot nung elementary at high school ako. Reminiscing the old times when we got there. Ganun pa din siya. Memories...
After, bumili si mommy nang favorite kong halo-halo sa palengke. We went home para sa bahay na kainin yun. Isang malaking bowl na laman eh dalawang order nang halo-halo para sa buong pamilya. Hehe. Ang sarap simulan nang linggo na nagsimba ka at may masarap na agahan. Perfect!
I guess it will be my last mass in the Philippines. Ang sunod na simba ko, baka sa Thailand na. Although I know that Buddhism is the religion in that country but I was told that there are christian churches available there. Pinanata ko na kasi last birthday ko na I'll make sure to hear mass every sunday na. To not miss to thank God for all the blessings I get from Him.
No comments:
Post a Comment