Sa amin dalawa ni hubbee, siya ang mahilig sa mga chinito. Dun siya madalas naku-kyutan. Ako, ang hilig ko talaga is yung may mga katawan. Magkaiba kami nang kina-kyu-kyutan. Ganun kami minsan sa mall pag naglalakad. Nagbubulungan kami pag nakakakita kami nang type namin. Pero ganun lang kami. Masaya na kami sa ganun. Nothing more than that.
The other day when I decided to do a photo walk dito sa Pattaya, pagdating ko sa Royal Garden Plaza, while checking an item sa isang stall, I saw this chinito looking guy na sobrang cute. Naka ilang lingon talaga ako. Normally kasi, pag may nakita akong cute, isang tingin lang, enough na. Pero etong guy, ang cute cute. Sarap pisilin ang pisngi. Then I left. A cutie for the day. Straight kasi. Kasama niya yung panget niyang girlfriend. Haha. Nilait talaga.
Pag-akyat ko sa taas, habang umiikot, nagkasalubong na naman kami. Sabi ko, ay, bihira ang dalawang beses ha. Pampasaya na din. Sige lang. Sinulyapan ko uli ang ka-kyutan niya. Then done. Pagpunta ko naman sa Ripley's Believe it or Not, ayyy, nagkasalubong na naman kami. Si kuya, pinapasaya ang malungkot na pinoy. Haha. Kinunan ko nga nang picture. Palihim. Haha. First time kong mag-ala stalker. Nakaka-aliw! At di pa natapos yun dun ha. Pagpunta ko naman nang Pattaya City Walk, hala, nagkita na naman kami. Destiny? LOL.
Nung birthday naman ni Ray nung nanood ako sa banda niya, meron silang cute na gitarista. His name is Golf and he's a thai national. Akala ko pa nga nung una kaming inintroduce to each other, I thought it was Gong. Golf pala. Haha. Ang galing niya mag-gitara! Chinito looking din. Akala ko nga nung una koreano. Sumasayaw pa siya sa stage. Marunong din kumanta. Medyo may pagka-hyper daw ang ugali according to Ray. Eto na naman ako. Kinunan ko nang picture din. Stalker na naman? Haha.
Bakit nag-iiba ang taste ko? Bakit ako natutuwa sa mga chinito? Haha. Pero ang cute naman nila di ba? Nagsasawa na ata ako sa mga cute na puti kaya napapansin ko tuloy ang mga asian looking cuties. Alam niyo na, may shortage nang kakyutan dito sa mga local thai. Haha. Okay, enough na. LOL.
No comments:
Post a Comment