Monday, July 2, 2012

Garage Sale


Last sunday, we had a garage sale dito sa bahay ni mommy sa laguna. As mentioned previously, we've decided to sell most of my clothes, jackets, jeans, shorts, polo shirts, shades, hats, slippers and shoes. Mga hindi ko na ginagamit at yung iba pinagliitan ko na. All of the items are local brands and mga nagamit nang once or twice lang. This was my first time to do garage sale.



I woke up 7:00 am. Hubbee and my sister are still sleeping. Si mommy, nagsimba. Sinimulan kong ayusin yung mga damit. Isang malaking garbage bag na puno nang hanger ang nagamit ko. I never thought I had that much items. 7:30 am, ginising ko na sila. It was time to set it up outside. Tinaon din naming sweldo nang mga tao. Habang nagsisimula nang mag-ayos sa garahe si hubbee, dumating na si mommy. At eto na ang mga susunod na kabanata...



Si mommy, may mga bitbit nang customers. Ang set-up, nasa kalahati pa lang. Pero andyan na ang mga customers. Ang fear ko pa naman that time, since garage sale doesn't happen usually sa village, eh baka langawin ang amin. But I was really surprised that it didn't. Set-up pa lang eh dinagsa na nang tao. Sukat dito, tingin doon, tingin sa salamin, silip sa brand nang damit, then ang pinakamagandang part, tuloy tuloy ang bigay nang bayad. Haha!


Naglagay kami nang post sa may gate. Nagpatugtog nang malakas. Then kumalat na sa village ang balita. Mostly, nanggaling din sa mga naunang customers. May mga nagpabalik balik pa. Bakit hindi, sobrang swerte na nila. Items are on sale from P50, P70, P100, P150, P200, P250, at ang pinakamahal na eh P300 then lahat branded and in good condition. Mga halos bagong jacket, jeans and shoes pa yun. Yung tambak na original CDs and pirated DVDs, binenta na rin namin for P5 and P20. Tinodo na!



We closed it around 4:00pm kasi magsisimba pa kami. Ang kinita that day, umabot lang naman nang P8,600.00. Saya di ba! Kahit papano, may bumalik sa mga ginastos mo sa mga gamit na yun. It was hard in the beginning nung namimili kami nang mga ibebenta kasi yung iba, memorable. Pero ang ginawa naming motto talaga eh "let go of old things and welcome new things". Ganyan. Ayan ang naging mantra namin. Haha! We're happy for a successful garage sale!!!

No comments:

Post a Comment