Sunday, July 29, 2012

Starbucks


The other day, and for the first time since I got here in Pattaya, I tried having breakfast in Starbucks in Tukom IT Center. That's the closest Starbucks sa apartment ko, 5 minute walk lang. For a change lang kasi lagi lang ako sa apartment nag-aagahan. Yung mga mina-microwave ko na food. Eh bigla ako nagsawa, naghanap ako nang iba naman. Na-miss ko bigla ang favorite kong green tea frappe. Dito, nilalagyan nila nang red beans sa ibabaw ang green tea frappe. But you can ask them not to if you want. Ako ayaw ko. I still want the same plain frappe.

Nagkalat naman ang Starbucks dito sa Pattaya, mostly sa mga mall. Ang kalaban nila dito eh The Coffee Club. Dahil di naman ako masyado coffee lover, kaya natagalan bago ako nag-starbucks uli. Nag-crave lang talaga ako sa green tea frappe kaya naisipan ko mag-starbucks. So I had my food on my table, took some magazines and newspaper so I can enjoy my morning. I was excited to see a page of news from all over southeast asia. Natuwa nga ako kasi dalawang news pa yung sa Manila. Pero eto ang laman nang balita about sa Philippines...


Saya di ba! Haha. While the other asian countries, ang news sa kanila eh opening nang ganitong company, about stock market, visit nang ganito, anniversary nang ganyan, sabay sa Pilipinas, marahas na balita, at dalawa pa ha. Naku po! Kakalungkot. May issue itong Editor-in-Chief nang dyaryo sa Pilipinas. Makausap nga. Hehe. Oh well, sanay naman na ako sa ganitong balita sa atin. Alam mo naman sa Pilipinas, they love to highlight bad things in the news. Kaya mabagal ang progress nang ating bansa. So I decided to just enjoy my breakfast instead. No more reading. Hehe.

No comments:

Post a Comment