Wednesday, July 25, 2012

Skype & Long Distance Call

Nung napunta ako sa Thailand, bihira na ang text ni mommy sa akin. Naisip niya siguro mahal. Hehe. Dati kasi, palaging si text yun. Nung natutunan niya paano gamitin ang Facebook recently, panay naman ang message. Oh moms! Haha. Sabi ko na eh, gagawa at gagawa nang paraan yun para makulit niya ako. And just the other day, she messaged me and said...

"Skype tayo!"

Huwawawee! Natutunan na din ang skype. LOL. At dahil wala akong skype account, nag video chat na lang kami sa Facebook. Ang saya ko. Just when I need to see and hear my mom. Our relationship is not the type na nagsasabihan nang mga problema sa buhay ko. Siya oo, pero ako, hindi ko kinalakihan. Parang ang gusto ko lang sa mother-son relationship namin is yung masayang moments lang. Sinasarili ko ang mga saloobin at problema ko. Kaya nung nag-chat kami, kwentuhan lang. Nakagaan sa loob ko. Na-miss ko tuloy si mommy nang sobra!


The other day naman, nag-e-emo-han na naman kami ni hubbee sa BBM. Hehe. Ganyan talaga siguro pag miss niyo na isa't isa. Walang katapusang emo-han. Haha. Sobrang miss ko na si hubbee. Sabi ko, tawag ako minsan. Gusto ko lang marinig boses niya..

The next day, nagload ako para matawagan siya. It costs 15B per minute ang tawag sa Pilipinas from Thailand. Kaya I spent 10 minutes to talk to hubbee para marinig lang boses niya uli. Ang naging usapan? Puro I miss you, I love you, paulit ulit. Haha. Sumigaw agad ako nung pag-hello niya. Haha. "Hubbeeeeeeeee!!!!!". Yan. Mga ganyang kahabang hubbee. Tapos maya maya, nagsalita...

"Nabasa ko blog mo. Ikaw talaga, gastos ka nang gastos. Bili ka nang bili. Mag-control ka mackee!".

Sabi ko na eh, di ako makakaligtas. Haha! Na-imagine ko ang bisaya niyang mukha. Haha. Na-miss ko tuloy. Then changed the topic. Nakalusot. Haha. Sayang ang minutes sa sermon. Hehe. Hay! Ang saya ko! Pero bitin. Hehe. Parang quickee na sex lang. 10 minutes lang. LOL. Ang buhay nang malayo sa mga mahal mo, umaasa sa Skype & Long Distance Call. Pero buti na lang, there are means and ways to communicate with your loved ones.

No comments:

Post a Comment