Philippine Independence Day. Nagkayayaan pumunta nang Tagaytay. Umalis kami nang 5:00 pm sa laguna. Nagpa-gas muna sa Total sa SLEX. Si Nana (Nicky), ang mapapangasawa nang pinsan ko na si Nano (Jun), nagutom. Magmerienda daw muna. Saktong gutom din ang sister ko dahil kakagising lang niya nang umalis kami. Nagpark ako. Pumunta sila nang Yellowcab. Umorder.
Pizza. Pasta. Chicken. Iced Tea. Iced Coffee. Yan ang tinatawag nilang merienda. Sa akin, hapunan na yan. Kwentuhan. Pagkatapos, busog lusog na kami. Ready to go. Umalis na papuntang Tagaytay. Kwentuhan sa sasakyan uli. Tawanan. After an hour of travel, nakarating na kami sa Tagaytay. Nag-ikot sa mga tindahan. Namili sila nang souvenirs. Pagkatapos, tumambay kami sa starbucks.
Hot Coffee. Cold Frappe. Cake. After an hour lang yan, may pumapasok na naman sa tiyan namin. Kwentuhan uli. After an hour, we decided to go to Kon-Tiki. Mag-iinom na sila. Gusto nila kasi may live band din. Sa grupo, ako lang ang hindi umiinom. Nag-enjoy naman ako sa banda. Sila nag-enjoy sa banda at iniinom nila. Siyempre may kwentuhan uli. Mga 12:00 am na kami umalis sa bar. Then nagcrave sila nang bulalo.
Bulalo. Turon at Tsokolate. Sinigang. Kanin. Last food hurrah. Ang hirap pag may kasama kang buntis, laging gutom. Mapapakain ka rin. Haha. And that we accomplished our unplanned Tagaytay Food Night Out. We left Tagaytay and went home. It was a good night. I was overwhelmed with joy because I was deprived with this experience because ngayon lang kami nagkasama sama nang mga pinsan ko after so many years.
Our next reunion will surely be in Thailand na. Hopefully.
No comments:
Post a Comment