Friday, June 29, 2012

The Macbee Story

 
Why are we called macbee?

This is how the Macbee story started. Si hubbee kasi, nung simula, ang term of endearment niya sa akin, "Mio". May meaning yun which I forgot, derived from a foreign language daw. Hanggang nag-evolve ang Mio to "Mac". Siguro change of mind, ewan ko kung bakit naging Mac pero yun na ang naging tawag niya sa akin ever since. Shortcut daw from my first name. Latest na lang yang "Mackee". Pero ayan, sure ako kung paano nag-evolve.

Kasi nga mabunganga yang si hubbee. Pag naiinis o sinesermunan ako niyan, yung mac, pag nasamahan nang gigil, humahaba. Pag tinatawag niya ako, o pag gigil na siya, yung mac, nagiging mackee. "Mackee, ano ba yan!", "Ang tigas naman nang ulo mo kasi mackee eh", "Bakit ang kalat nang kusina mackee". Ayan, yan ang mga samples. Alam niyo yung sa mga sinaunang tagalog movies, pag galit yung misis, natatawag nila yung asawa nila sa original name nila na mahaba. Ganun. Haha.

Ako naman, dahil kung ano anong term of endearment na ang nagamit ko sa mga ex ko, ayaw ko nang repeat performance. Naisip ko ang hubby kasi di ko pa nagamit. Kaso common na. Iniba ko na lang ang spelling. Ginawa kong "hubbee". Minsan, shino-sortcut ko to "Bee". At yun po ang short, simple and sweet background nang story nang tawag ko kay hubbee. Haha.

So when you combine mackee and hubbee, we call it "Macbee".

No comments:

Post a Comment