Monday, June 25, 2012

Kimmy Dora 2


Finally, napanood na namin ang Kimmy Dora 2. Nanlibre ang sister ko last saturday na dapat nung birthday ko pa kaso naging busy na. Sabi ko kasi birthday gift na lang niya sa akin yun. But at last, nangyari na. Kahit kasagsagan nang kabingian nang left ear ko nun. Haha. We watched the movie sa SM Muntinlupa lang. Di ko na kasi kayang magdrive nang malayo pa dahil medyo nilalagnat na nga ako nun.


I had high expectation from the movie maybe because I enjoyed the first one. So when the movie was finished, I was somehow disappointed kasi di na-meet yung expectation ko. Dapat pala di ako masyado nag-expect. Though it was good, maganda naman yung film. Kulang lang masyado nang LOL moment. Eh yun pa naman ang gusto ko. Natatawa kasi talaga ako kay Eugene Domingo.

Akala ko aalis na lang ako nang di mapapanood itong movie. Sabi ko nga din kay hubbee, baka last movie na natin ito together dito. Hehe. Thanks to my sister who made it possible. I love you neh!!!

No comments:

Post a Comment