Saturday, June 23, 2012

Just Like My Mom

Finally, my sister bought a wireless router kaya I have this chance of creating my entry today kahit nandito kami sa laguna. Every weekend, hubbee and I try to make a point to visit my mom. And this weekend, we will celebrate my parent's anniversary. Friday pa lang nang gabi, andito na kami.

I love my mom. I'm a mama's boy. I guess I'm a spoiled son sabi nila but in a good way. Up to now, she still treats the boy in me with the same love and care. In short, tamad talaga ako sa bahay. Wala akong alam gawin. Tinuruan naman niya ako nung bata ako pero nung lumaki ako, ini-spoil ako nang mom ko sa household chores. Kaya ang ending, ayan, walang alam sa bahay, at tamad. Haha.

Sa bahay namin, si hubbee lang talaga ang gumagawa nang lahat. All-in-one ko siya. Asawa. Boyfriend. Partner. Bestfriend. Travel Buddy. And Personal Yaya. Haha. Siya ang taga ligpit nang higaan. Taga luto. Taga hugas nang mga plato. Taga laba. Taga plantsa. Taga punas. Taga walis. Taga sampay. Taga tupi. Lahat na nang "taga" siguro, siya na.

Pag nasa laguna ako, spoiled ako ni mommy. Pag nasa bahay naman ako, spoiled ako ni hubbee. Magka-rhyme naman di ba - mommy and hubbee. Pasok!


Sabi nga nila, pag naghanap ka nang taong mamahalin mo at makakasama mo sa buhay, find someone just like your mom. Because you'll never feel you're far away from home. At tama nga sila sa kasabihan na yan. And I'm blessed to find someone that is just like my mom. Their significant similiraities aside from being good in household chores are:

* Magaling mag-budget
* Matipid
* Maalaga
* Mabunganga
* Masermon
* Hindi expressive
* Hindi sweet

Yan. Ayan ang kanilang significant similarities na pinagpapasalamat ko, at the same time inirereklamo ko. Haha. Hindi nga ako nakakagawa nang gawaing bahay, di naman ako nakakaiwas sa bungangang masermon. LOL. But I'm not complaining. Love ko sila pareho. Kaya ako ang tagabuhos nang lambing sa kanila. Sukli sa wagas na pagmamahal na binibigay nila sa akin.

No comments:

Post a Comment