Monday, June 25, 2012

Rainy Days Are Here


Excited ang rainy season pumasok ngayong taon. Mas excited pa sila sa mga bata na pumasok sa eskwelahan this school year. Sunod sunod na agad ang pagdating nang mga bagyo. Nung summer, ang mga tao, panay ang reklamo sa init. Ngayong tag-ulan na, panay ang reklamo nang tao sa pagbuhos nang ulan. Dati mababasa daw ang suot nila sa pawis. Ngayon, mababasa sa ulan.

Gusto ko ang init pag summer. Kapag nasa out of town ako. Gusto ko din ang lamig nang tag-ulan. Kapag nasa loob ako nang bahay. In short, sinusumpa ko ang init pag nasa bahay ako at ang ulan kapag nasa out of town ako. Ang gulo talaga nang utak nang tao noh. Kasing gulo nang panahon, pabago bago din. In short, quits lang. Haha!

Nung bata ako, pag sinabing tag-ulan, iniisip ko na agad ang baha sa village namin. Pag sinabi mo namang ulan sa matatanda, ang una nilang naiisip agad, kung may sinampay sila. Haha. Masaya i-enjoy ang ulan kapag nasa bahay ka lang, tapos katabi mo pa ang mahal mo sa buhay. Sabay may mainit na champorado kayong kinakain. Waaaah! Sarap!

But I guess rainy days are here na talaga. It's the season of the year again. Pero isa lang wish ko, sa araw nang flight ko, wala munang bagyo bagyo ha. Nagmamakaawa ako. Mapa-praning na naman ako habang nasa himpapawid. Wala pa naman akong kasama. Please, cooperate with me!

No comments:

Post a Comment