Aside from playing football in the afternoon, pang alternate namin ni hubbee ang magswimming sa pool for our afternoon exercise. Normally, we swim for an hour eksakto pagkatapos nang PBB Uber sa hapon. At oo, nanonood talaga kami nang PBB Teens. Hehe. Hanggang 6:00 pm lang kasi ang pool sa Tribeca.
Memorable sa amin ang pool. Bakit?
Dito kasi kami madalas nakakapagkwentuhan nang madami at napag-uusapan ang maraming bagay sa buhay buhay namin. Yung mga malalalim at mga di pa naming narinig na kwento from each other. Usually kasi pag nasa unit kami, we're busy with our own stuff. Andyan ang internet, nagiging busy sa Facebook or sa twitter. Andyan ang TV. Ang kama. Ang mga chores ni hubbee.
Saksi ang pool sa mga saloobin namin. Mga masasayang kwento. Mga hinaing. Mga pangarap naming dalawa. Naging instant tropa namin ang pool. Haha. Pagkatapos nang mga laps namin, nagkukuwentuhan na kami. Or pag walang gana tapusin mga lapse namin, kwentuhan na lang kami habang nakababad. Or minsan pag close na, tumatambay kami sa pool side para magkwentuhan. Aabangan namin ang mga bituin sa langit then sabay mangangarap.
Kaya bago kami umalis sa Tribeca sa katapusan, at bago maghiwalay ang landas namin ni hubbee, sinusulit na namin ang mga araw na nakakapagswimming kami. Actually, may sikreto nga ako. May alaala akong iniwan doon. Alaala namin ni hubbee. Bawal yun pero ginawa ko. Sinigurado kong walang nakakakita nang mga oras na yun. Nagtagumpay naman!
Huwag madumi ang isip!
Eto ang alaala namin ni hubbee na inukit ko sa isa sa mga puno doon. Sana pag nagkaroon nang pagkakataon uli, which I don't know when, but I'm hoping in time, makabalik kami dito at sana makita pa namin ito. It will feel so good to reminisce Macbee's memories in the pool....
No comments:
Post a Comment