Friday, June 29, 2012

Love And Break-ups

Hindi mo man makita na trending worlwide ang #Hiwalayan sa twitter, pero mukhang uso siya recently ha. I'm an avid fan of love and romance. Gusto ko masaya mga tao. Pangarap ko nga maging kupido nung bata ako. Gusto kong nakakarinig nang mga love stories, how it all started and how love is shared by couples. From time to time, masarap kiligin sa mga ganito. Aminin man natin o hindi, masarap talaga ang love. Ang ma-inlove. At yung feeling nang in-love.

But it sucks to hear when people tell you that they broke up with their partner. Ang standard reaction ko sa ganyan eh "ha? bakit? pano? kelan?". Ganyan. Maraming tanong. Hehe. Palagi kasi akong apektado sa pagreact about break up news. Ayoko kasi nang mga break-ups. Kalakip kasi niyan ang sakit. Ang luha. Ang pighati. May nahihirapan. May tumitigil ang mundo. May nahihirapan gumalaw. Sad that a few people I know, the relationship that just started has now ended.

This is my 9th relationship with a guy. Okay wag na natin pag-usapan yung sa girls. I had to go thru 8 relationships to learn what really love is and how to be in a commitment in this set-up. And in those 8 relationships I experienced the pain of break-ups. So I know how it feels to have that pain inside your heart. It's not an easy stage nor a wonderful experience. But truth to the matter is, you learn a lot from love and break-ups.

 
There's always two sides of the story. One from each other. Sad minsan dahil yung iba, from kilig at suyuan nung una, nauuwi sa away at sumbatan. Some prefer to be civil, be distant from each other and just forget what happened. Maraming versions na din ang break-up ngayon. May "in your face", may thru text, meron na din ngayon thru social media. I wonder, may level of impact ba siya o pareho lang din?

Hindi ako takot masaktan. Hindi din ako takot mawalan. Alam ni hubbee yan. Before kasi, hindi talaga ako nakakatagal sa isang relasyon. Palaging months. Sawain kasi ako. Lame excuses. Pero siguro, hindi lang talaga pa siya yung tamang tao. Although lahat naman sila, minahal ko nang totoo. But most of them, ako ang nag-end. Yung iba, I gave them reason to end it para sa kanila manggaling.

No one knows the future of me and hubbee but ever since we started this relationship, I've always been ready just in case na dadating kami dun. Dahil ganun nga ang trend ko in the past. Pero wag naman sana. Although once, umabot kami sa point na muntikan na pero buti naayos namin. Kaka-expect ko ata ni di tatagal, siya pa yung tumagal. At pinakamatagal ha.

No matter how we don't like it, but as long as love exists, umiikot din kasama sa storya ang mga hiwalayan. Parang kung may araw, dapat may buwan, kung may puti, dapat may itim, kung may maganda, dapat may panget. Habang may taong in-love, may mga tao namang nasasaktan. This is how it works. The irony of life. Pero ang wish ko, sa mga taong nag-decide na magmahal, sana panindigan at pangatawan. Huwag sanang gawing laro ang pag-ibig. Bawasan natin ang mga taong nasasaktan sa mundo...

No comments:

Post a Comment