Thursday, June 28, 2012

Random Thoughts About Thailand

Ilang araw na lang. Di na mapakali utak ko. Andami kong iniisip. Ang pagmove out this saturday. Yung mga bills na dapat bayaran. Ang backpay ko na hanggang ngayon eh wala pa. Paano magiging buhay ni hubbee dito nang wala ako. Ang family ko. Yung mga documents na dapat ko pang ayusin at lakarin. Maintenance nang sasakyan. Sasabog na ata utak ko.

Aside from sa mga aalalahanin at aasikasuhin, naiisip ko din yung pagmove sa Thailand. First time kong magabroad na doon titira at magtatrabaho. First time kong maging OFW. Parang baliktad. Dati, habang bata ka, you do everything para makapag-abroad. The typical filipino dream. Ako, kung kelan tumanda, saka susubukan ito at makikipagsapalaran sa ibang bansa.

Iniisip ko din paano magiging buhay ko doon. Ano magiging lifestyle ko doon. How will I deal with my comfort zone na kinasanayan ko dito. Ano magiging trabaho ko. May mga magiging kaibigan ba ako doon. Mao-overcome ko ba ang language barrier. Papayat ba ako doon. Mame-meet ko ba si Mario Maurer. O magiging kamukha ko siya. LOL.


Pag nasa kama ko, napapaisip ako. Pag nasa banyo ko at nakaupo sa trono nang kagitingan, napapaisip ako. Habang nagda-drive, minsan, naga-auto pilot ako, nag-iisip kasi utak ko. These random thoughts about Thailand is killing me. I guess I think too much. Well, that's the typical me. I always want to prepare myself. I sometimes over analyze. Hay! Bahala na. Andito na ito. Itinakda na nang panahon. Go go go na!

EXCITED NA AKO! EXCITED NA AKO! Change of mantra na lang..

No comments:

Post a Comment