Last friday, hubbee and I decided to take a swim which we always do naman. After a few laps, nakaramdam ako nang sakit sa tenga. I feel like the water is getting easily to my ears which causes the minor pain. Nung una, di ko pa pinansin. Nung palaging sumasakit pag nasa ilalim ako nang tubig, tumigil na ako. Nagbabad na lang ako. Then we went to laguna na after.
Pagdating sa laguna, I started feeling a consistent pain. Hindi ko masyado pinansin kasi the other day, hubbee had the same experience which was gone din daw the next day, though he said it was painful. Si hubbee kasi, strong ang tolerance sa pain. Kaya pag sinabi niyang masakit, di mo makikita sa kanya na masakit talaga. So I thought kaya ko din.
The next day, I started to lose my senses in my left ear. Wala na siyang marinig. I can also feel the water inside. So nagtatalon talon ako. Pinapagpag ko yung water. Humihiga ako nang patagilid. Lahat nang common practice that I know, ginawa ko na. I even used cotton buds to see baka ear wax lang na nagbara (yuck!). But there's none. Until nilagnat na ako. Sobrang init at naghi-chill na ako.
Sunday morning, after bumaba nang lagnat ko, pumunta na kami sa medical clinic. At ang kasama ko? Si hubbee, si mommy and my sister. Oh di ba, full force. Parang 3 years old lang. Haha. Just kidding. We thought of having a lunch na lang din after since it was my parents' anniversary nga that day. Anyways, going back, according to the doctor, it's Otitis Externa or commonly known as Swimmer's Ear. Sosyal. Tunog mayaman. Pang-swimmer! Haha.
It is a painful condition of the visible or outer portion of the ear and ear canal. After ma-identify nang doctor, he started cleaning my ear. Vinacuum niya to get the water clogged inside and binuhusan nang Agua Oxinada after to kill the bacteria inside. Then the usual, binigyan na nang prescription, isang medicine drop, oral medicines, pain reliever tsaka gamot sa lagnat. And under observation until thursday.
Pag lalong lumiit daw yung butas at di nadaan sa gamot, bumalik sa thursday. Pag nag-improve, bumalik daw sa sunday. Hay! Kung kelan paalis na, saka naman nangyari ito. But thank God nag-improve na siya. Just last night, nagsimula nang makarinig na uli yung left ear ko. Laking pasalamat ko sa Diyos. Akala ko mabibingi na ako. Haha. At salamat sa aking matiyagang private nurse na si hubbee. Hehe.
I swear, isinusumpa ko na ang pagswimming sa pool. Haha! I don't want to experience this again.
No comments:
Post a Comment