Tuesday, June 19, 2012

15 Days

June 20, 2012. Walang magawa. Gising pa ako. Madaling araw na. 12:15 am to be exact. MNL Time. Nag-iisip nang gagawin. Si hubbee nanonood nang TV. Tahimik. Concentrated sa pinapanood. Anong gagawin ko.

Alam ko na!

Gumawa nang bagong blogsite. Pang ilan ko na bang blog ito. Hindi ko na mabilang. Andami na. Walang tumagal. Hindi ko na nga alam ang mga pangalan nila.

Pero dahil meron na lang akong ilang araw sa Pilipinas bago umalis papuntang Thailand, naisip kong magandang idea na magsimula uli ako nang blog. And this time, to document my journey sa bagong lugar, bagong bansang pupuntahan ko at sa magiging buhay ko dun. Na-miss ko na rin magsulat. I guess it's the right time na din.


Ilang araw na lang kaming magkasama ni hubbee. 15 days to be exact. Mixed emotions. Madalas na kami magreminisce. Madalas, nakakalungkot. Andaming tumatakbo sa utak ko. First time kong titira sa ibang bansa. First time kong mahihiwalay nang matagal kay hubbee.

Susulitin ko na lang ang labinlimang araw na natitira. Soon it's goodbye Philippines for me and Hello Thailand. Waaaah!!!

Bahala na.

Please follow my new blog titled "Thai Kingdom Come"...

No comments:

Post a Comment