Monday, June 25, 2012

The Comedy Bar Experience

 
Nano and Nana decided to have a little farewell celebration the night before they left Philippines. Nana wanted to go to a Comedy Bar. Complete attendance kaming magpipinsan. We went to 22nd Street sa Las Pinas. First time ko sa isang Comedy Bar. I always refuse invites of friends na pumunta to places like this before kasi natatakot ako malait lait nang mga baklang host. Hehe. But for the love of Nana, sumama ako. 

P150.00 ang entrance. Di pa consumable yun. Guest of the night was the Mocha Girls. Pagpasok, kita mo na agad ang stage. At kita ka na din nila agad. Haha. So as expected, winelcome kami. Winelcome kami nang puna at pangungutya. Halatang halata daw kasing magkakamag-anak kami dahil sa hugis at anyo naming lahat. Grabe, pagpasok pa lang yan ha.


Enjoy naman pala. Nakakatawa ang mga hosts. Tatlo sila that night. One of them, the cute one, is Mark Mabasa. According to them, pasok daw siya sa Top 20 nang X Factor Philippines. Kaya panoorin niyo siya. In fairness, he sings well. Anyways, so medyo nag-eenjoy na kami. Umiinom na sila. For the sake of the fun that night, umorder ako nang isang tanduay ice. Then the time came na inintroduce na ang Mocha Girls.


They are all pretty. Nakaka-straight nga actually. Haha. Mia on the picture above is just like a barbie girl in person. Napuno ang ground floor nang straight guys na guest kasi nga every wednesday pala ang Mocha Girls. And everyone knows that when this group performs, it will be very sexy. At ganun na nga ang nangyari. After their sing and dance production, eto na...

"We need 5 men on stage!"

Dahil hindi pa alam nang mga pinsan ko ang totoo kong pagkatao, para makaligtas sa mga ganitong eksena, I was so pro-active na ituro yung isang pinsan ko na ang asawa eh na sa province. Dahil kami lang dalawa ang walang kasamang partner that night, I'm sure kami lang ang pwedeng ipain sa mga ganun. Kaya inunahan ko na siya bago sa akin mabaling. Pero ang kapalaran nga naman...

Biglang gumanti yung pinsan ko. At sa pagganti niyang pagturo sa akin, doon pa eksaktong tumingin ang Mocha Girls at ako ang kinaladkad sa stage. I was refusing until I realized, nasa stage na pala ako. Shit na malagkit talaga. Nagkakagulo na ang audience dahil kumpleto na ang 5 volunteers. Andami nang pumapasok sa utak ko. Gusto kong maglaho nang bigla na lang, I swear!!!


Eto na. Konting introduction. They will do a sing and dance number again daw. But it will be very sexy. And before they started, may inilabas ang mga babae. Guess what....

Kadena!!!

Eto na nga, kinadena kami sa inuupuan namin. Lahat na yata nang santo nang mga bading, dinasalan ko na nang mga oras na yun para iligtas ako sa sitwasyon. Kaso mukhang naka bakasyon ang mga santo, walang sumagip sa akin. Bwisit! Kahit kapatid ko, kinikindatan ko na para sagipin ako, nginingitian lang ako. No choice na ako. Sinayaw sayawan na ako. Itinapat na ang boobs sa mukha ko. Gumiling giling na. Nagkagulo na ang audience.

Eto pa, after the song, binigyan kami nang red t-back, remembrance daw. Wala na, I felt so violated to the highest, nuknukan, karurukrukan, to the max. Haha! 


At hinding hindi ko makakalimutan ito!!! Lakas maka-convert nang the comedy bar experience ko. Hinding hindi na talaga ako babalik. Haha!

No comments:

Post a Comment