Sunday, August 26, 2012

Top 20 Signs

Just to entertain your monday, let me share this Top 20 signs that you're watching a Pinoy movie. This is for all the pinoys out there! I'm sure everyone can relate to it..


1. Sasayaw sa likod nang puno ng buko pag nasa beach yung scene. Alternate pa yung mga ulo nila.


2. Yung kontrabida yayakap sa bida, sabay taas nang kilay at ngingisi.


3. Uuwi ang bida na may dalang pancit sa kanyang nanay na si Anita Linda. Tatawagin nito ang mga bata para kumain, at kakamustahin nang bida ang pag-aaral habang kumakain nang pancit. Biglang may titigil na sasakyan sa harap nang bahay at pauulanan nang baril ang pamilya! Mamamatay si Anita Linda, at sisigaw ang bida ng "Inaaay!" at mangangakong ipaghihiganti ito. Moral lesson: Ang pansit nagdadala ng malas - nakakamatay.


4. Pag may magkaribal na babae, yung mabait deretcho ang buhok at may bangs. Yung salbahe, laging kulot.


5. Sa pinoy action movies, ang bida hindi nauubusan nang bala.


6. Sa pinoy action movies, kapag tumakbo ang bida, sa lupa lahat ang tama ng bala nang kalaban.


7. Kapag may angry mob na pupunta sa bahay-kubo ng manananggal, si Vangie Labalan ang laging lider.


8. Alam mong moment of truth na nang bida kapag sinabi na niya yung title nang pelikula.


9. Ang tawag nang kontrabida sa mga goons niya, "Mga bata."


10. Yung nakababatang kapatid nang bida habang naglalaro nang bola, mabibitawan at mapupunta sa gitna nang kalsada. Tapos may darating na sasakyan, tapos itutulak siya nang bida. Yung bida naman ang nasa gita nang kalsada. Biglang may sasakyang darating. Ang bida, ico-cross lang niya arms niya covering his face tapos sisigaw yung kapatid nang 'kuyaaa!'. Next scene nasa ospital na sila. Simula na nang drama.


11. Kapag bakbakan, hindi nasasaktan ang bida, pero umaaray siya pag ginagamot na siya nang leading lady, at kasunod na ang love scene.


12. Kapag sinabi nang kontrabida ang masama niyang plano sa bida, ang sasabihin nang bida: "hayop ka!"
.

13. Ang bidang babae, pag katulong ang role, siguradong magiging anak nang amo niya sa ending.


14. Ang nanay nang mayaman laging may pamaypay na pangmayaman, at ang nanay nang mahirap laging naka duster.


15. Ang hideout nang kontrabida, parating mansion na may chicks sa pool.


16. Ang mga bida sa drama, pag nakatanggap nang masamang balita, laging may pinto sa likod nila para puwede silang sumandal habang nagi-slide dahan-dahan pababa, tapos todo iyak with matching uhog.


17. Pag di nahuli nang mga goons ang bida, sasabihin nang boss sa kanila, "Mga inutil!"
.

18. Laging nakakapulot nang baril na may bala ang bida kapag kinakailangan niya.


19. Laging mas maganda ang yayang bida kesa sa kontrabidang anak nang amo niya.


20. Pag ang ending nang movie ay song and dance number sa beach o resort, ang huling frame, tatalon ang buong cast... > sabay freeze


Aminin mo, um-agree ka at least sa ilan diyan. Haha!

2 comments:

  1. Lol! this is too funny! hahaha laughtrip! i so agree! haahah love the padausdos pababa sa pintuan sa may likod hahah :)

    ReplyDelete