Tuesday, July 17, 2012

Movie Date

 
Last thursday, off ni Nano, pinuntahan nila ako sa gym para yayain lumabas at manood nang movie. Movie Date daw. Hehe. Yung gym ko, katapat lang nang apartment nila. Tinapos ko muna work out ko, umuwi, at dun na lang kami sa apartment ko nagkita kita at nagpagupit pa rin sila. Pumunta kami nang Central Festival Mall at doon kami manonood nang Ice Age 4. 

 
Kumain muna kami si Carl's Jr. at gutom na si Nana. Naglilihi ata sa Carl's Jr. The other day, andun din siya. Dun kami sa deck kumain, overlooking Pattaya Beach. Ikinasusyal nang Carl's Jr yun ha. May sarili silang deck. Haha. Ang ganda! Then after, we went to buy movie tickets na. The movie place amazed me. Walang sinabi ang movie place nang Resorts World sa Manila. The best talaga itong mall na ito. Mapapadalas akong manood nang movie. LOL.


We chose to watch the 3D version. First time ni Kuya Ogie, yung kuya ni Nano na manood nang 3D movie. At ang 3D glasses nila, naka plastic pa. I don't know if they pack it everytime, pero di katulad sa Pilipinas na salo salo nang dumi ang nasa 3D glass na ginagamit natin. Anyways, the movie was cute, as expected. Simple story. Really good for kids.

 
After the movie, naglaro muna kami sa Game center na katabi nang movie place. Na-miss ko tuloy ang TimeZone sa atin.

 
Then after, nag-crave naman si Nana nang ice cream. Kaya pumunta kami nang Swensen's para mag Ultimate Chocolate Fondue. Gusto daw niya matikman yun. Ganyan mag-crave si buntis. Haha! But in fairness, ang sarap! Sira ang diet. LOL.


Umuwi na kami after. May pasok na uli si Nano kaya kailangan nang magpahinga. Next off daw uli. Sarap nang libre lahat. Haha!

No comments:

Post a Comment