Tuesday, July 17, 2012

Pattaya King Bed

Kanina, habang nasa gym, magka-BBM kami ni hubbee. Everytime we have a conversation, nagiging emotional ako. Kung dati, ang walang kasawaang salita sa loob nang condo namin eh "I love you", ngayong magkalayo na kami, naging "Miss na kita". Hindi nawawala yung salitang yun palagi. At ngayong nasa kama ako, biglang pinatugtog ang isa sa mga favorite kong kanta ni Rihanna sa TV, ang California King Bed. Everytime I hear this song, I get emotional. Ewan ko ba!



Chest to chest, nose to nose
Palm to palm, we were always just that close
Wrist to wrist, toe to toe 
Lips that felt just like the inside of a rose

Ganyan kami ni hubbee dati. Halos di na kami mapaghiwalay. Lagi kami nakadikit sa isa't isa. Gusto ko lagi kong nakikita si hubbee. Gusto ko lagi ako nakadikit sa kanya. Gusto ko either hawak ko kamay niya, or naka hug ako, or nakasandal ulo ko sa kanya. Kapag matagal siyang nawawala sa tabi ko, hinahanap ko na agad siya. Kaya imagine how hard it is for me to take all of these..

In this California king bed
We're ten thousand miles apart
I've been California wishing on these stars
For your heart on me, my California king

Oh well, wala ako sa California kaya Pattaya King Bed na lang. Haha. Kasi king bed talaga ang kama ko dito. But yes, hubbee and I are miles apart. Not sure lang kung ten thousand miles apart. LOL. But every night, I do wish on the stars that someday, hubbee and I will be together again. And sana soon. Wala namang limit sa wish.

Hay! Palagi ko na lang sinasabi sa sarili ko na sa simula lang ito, makakayanan ko din ang pangungulila ko kay hubbee. Pero sana nga, makayanan ko. Baka umuwi na lang ako bigla kung hindi. Hehe. Tapos babatukan ako ni hubbee at ni mommy, sasabihin, "Pa-thailand thailand ka pa ha, uuwi ka din pala". Haha. I can imagine that scene!

Here's another rendition of California King Bed by The Anser. The guys are great. They sing very well. Too bad they did not make it on X Factor last year. Enjoy!

2 comments:

  1. Hanep! Settled ka na pala. Be there Oct 17-ish. Ibook na yang si will!!-wee

    ReplyDelete