Sunday, July 29, 2012

Pledge

Before I met hubbee, and after my 8th failed relationship, nagkaroon ako nang pledge sa sarili ko. Panata na magpapahaba ako nang buntot sa likod hangga't di ko natatagpuan ang susunod na taong mamahalin ko. For 8 months, pinahaba ko siya. Walang nakakaalam nang totoong dahilan bakit ako may buntot. Even my closest friends. Yung iba, gusto siya, yung iba ayaw. Pero wala akong pakialam sa ibang tao, panata ko yun. Hehe.

Until nakilala ko si hubbee. Nung naramdaman kong siya na, at handa na akong pumasok sa isang relasyon, pinaputol ko na siya. Hindi naman talaga ako masyadong naniniwala sa mga pledge pledge na yan pero sabi ko, there's no harm in trying naman. Eh effective naman pala. Kailangan ko lang pala mamanata para dumating ang taong tatagal sa buhay ko. Hehe.

Ngayon, iba na ang pledge ko. Pledge to stay committed in this long distance relationship. Hindi siya madali. Mahirap. Pero namanata kami ni hubbee na we'll make it work no matter how hard it is. Hindi ko na kailangan pang magpahaba nang buntot uli. Ang kailangan ko na lang ngayon is magpahaba nang pasensya, pagtitiis, pang-unawa para humaba pa din ang relasyon namin ni hubbee :)

No comments:

Post a Comment